Ewan ko ba kung bakit, pero lahat ata ng pinormahan ko tingin lang sa akin: KAIBIGAN. Yah alam ko mahirap ang ganitong sitwasyon pero wala ehh minsan hindi sumasang ayon ang pangyayari sa atin.
Pero mga bro kahit na ilang beses na tayong na ffriend zone wag kayo mawalan ng Pag asa! Everything happens for a reason sabi nila, malay natin hindi siya ang girl para sa iyo o pwede rin hindi pa ito ang right time para sa ganyan (in short magtapos ka muna ng pag aaral).
Alam niyo kaysa magmukmok kayo diyan dahil frinend zone kayo ni girlie isipin niyo nalang, na bawas gastusin at makakatipid pa kayo. Kasi sa pagkakaalam ko ang pagkakaroon ng GF ay parang pagkakaroon ng Kotse: Mahal at mahirap ang maintenance.
Pangalawa you spend more time sa mga barkada mo (Kung wala eh maghanap ka na ng mga bros mo bro). Kasi pag may GF ka na you tend to focus on her thus nawawala/naglelessen ang time mo sa mga original bros mo.
Pangatlo bawas sa iisipin. Mga bro tignan niyo to diba pag may girlie kayo lagi siyang pumapasok sa isipan mo o parang naka save na siya sa utak mo. Eh pano na kung nagaway kayo tapos sumabay pa yung mga thesis at other schoolworks mo? sino uunahin mo? Para lang yan nung isang kanta sa Youtube na may title na "Dota o Ako". instead na wala kang dilemma p*cha nagkaroon pa, dagdag stress yan mga bro.
Pang apat Malaya ka. Bro you can do whatever you want! Pumunta kahit saan, Samahan kahit sino, Uminom, maglaro at lahat! at ang pipigil lang sa inyo ay ang magulang niyo. pag pumasok ka kasi sa relasyon mga bro para yang pagaartista, lahat ng galaw mo may nagmamasid kumbaga parang paparazzi (unless walang tiwala ang girlie mo sa iyo, eh kung meron naman eh di ang swerte mo at wag mong abusuhin) kaya magiging limited ang movements mo.
Diba mga bro? may mga perks din ang pagffriend zone sa iyo ni girlie tsaka what's with the rush? ang relation ay hindi isang karera na may deadline kang hahabulin, Hindi mo o natin kailangan ng Girlfriend ngayon. Yes nakakakilig ang may karelasyon kasi may taong nagmamahal sa iyo, may kausap ka kapag kailangan mo ng kausap at marami pang iba.
What I'm trying to say here mga bro maghintay ka lang, siguro kaya tayo na ffriend zone ng mga girlie kasi nasa plano to ni God, maybe there is someone in the future na naghihintay din sa atin. As of now Aral muna tayo at ang pasiyahin muna nating girlie ay ang ating inay na nagpapaaral sa atin.
Tandaan mga Bro: Friendzone is not the end, it's a start of something new
No comments:
Post a Comment