Wednesday, February 12, 2014

Epekto ng pagkatalo ng Ginebra sa isang Die Hard Fan

Kanina ang ganda ng gising ko dahil panalo ginebra kagabi, at malakas ang feeling ko na mananalo ulit sila ngayong laro dahil na sa kanila yung momentum..

Masaya ako pumasok sa klase ko kahit isa lang kasi nga goodvibes ako nung araw na yun.. 
binungad ko nga sila ng pagiging hyper ko ehh, pinagyayabang ko pa nga na ginebra mananalo sa series na to kasi nasa amin yung momentum ehh. 

eh di ayun nagklase na kami at sakto Basketball ang PE namin ngayon, eh di syempre dahil na masaya ako maligalig ako maglaro kahit natalo masaya pa rin ako kasi yun talaga ang epekto ng ginebra sa akin, basta't panalo sila gumaganda ang mood ko kinabukasan.. actually mahirap nga sirain ang mood ko pag ganun ehh

ganun talaga ang epekto ng ginebra, ibang klase kasi tong team na to. parang walang team sa buong mundo ang may ganitong kalakas na impact. Kahit nga siguro mga fans ng LA Lakers di kaya tumabasan ang Fans ng Ginebra. at isa na ako dun! 

eh di pagkatapos ng klase diretso uwi na ako at naglakwatsa muna sandali bago talaga umuwi sa bahay.. kahit pagod na pagod ako kanina, nakangiti pa rin ako kasi nararamdaman ko na maganda ang resulta mamaya o pag positive ang araw ko baka maging positive rin ang laro.

So ayun 7:30 na at sobrang excited na ako, kumain na ako, naligo't lahat lahat di ko pa nga nagagawa yung physics assignment ko eh kasi malapit na laro ng ginebra..

ayan pumatak na ang 8 nag online na ako sa twitter at sobrang proud ako sa twitter na sinasabi ko nga na "Sa atin tong larong to" lahat na ata ng forms ng cheering para sa ginebra natweet ko na..

ayun nagsimula na ang Game 7 ng Manila Clasico Semi finals, eh di sobrang excited na ako nung tip off. 

nung 1st quarter medyo lumamang ang San mig coffee, pero humahabol pa rin  naman ang ginebra kaya sabi ko sa sarili ko, "ok lang yan may 3 quarters pa" so ayun nanalig pa rin ako na babawi ang ginebra sa mga susunod na quarters.

eto na dumating na ang 2nd quarter at dito na ako nagsimulang mangamba kasi medyo umaarangkada na ang San Mig Coffee at ayun nga nakabuo sila ng 13 na puntos na kalamangan sa ginebra..

So dun ako medyo kinabahan, pero di pa rin ako nawalan ng pagasa.. Nung halftime inubos ko yung oras ko nun kakadasal na sana manalo ang ginebra this series kasi gustong gusto ko talaga na makuha ng ginebra ang panalo para mag finals na kami at matapos na ang matagal naming paghahabol sa championship..

So after ako magdasal ng magdasal, gumaan ulit feeling ko at bumalik yung feeling na hahabol ang ginebra..

Eto na 3rd quarter na.. at this time mukha na akong tanga dito sa bahay kasi parang ako yung coach kasi salita ako ng salita dito sa bahay kung ano dapat gawin and at the same time parang cheerleader din. humahabol ng onti ang ginebra pero sa dulo hindi pa rin makadikit.. kaya nagdasal na talaga ako ng nagdasal.. sabi ko "Lord sana talaga etong 4th qtr sa amin na talaga"

Pero mukhang kabaliktaran ang nangyari.. 

Pumasok na ang 4th quarter at tambak pa rin ang ginebra ng 12 pts. pero sabi ko "12 points lang yan! hindi naman tayo tinawag na never say die na team ng para sa wala"

Pero wala pa rin.. nakakascore nga ang ginebra pero mas umiiskor ang san mig coffee.. at nung last 5 minutes tambak na kami ng 16 points.. dun ako nawalan ng pagasa.. para akong hinulugan ng langit nung naramdaman ko na wala na talaga.. lalo na nung mga pumapasok yung mga tira nila james yap at PJ simon napakasakit.. parang tuwing papasok ang mga tira nila parang may tumutusok sa dibdib ko..

Pero eto ang isang part na nagudyok sa akin kung bakit ako napaiyak..

last 1 minute na.. hawak na Mac Baracael yung bola.. pinilit niyang magdrive sa basket.. pero na foul siya, at laking gulat ko nalang na pag focus ng camera sa mukha niya habang nagffreethrow, may luha..

dun ako bumigay at simulang napaluha.. hindi siya basta basta na pawis lang, nakita ko talaga na may luha siya.. 

kaya hindi ko talaga mapigilang maging malungkot at maluha sa nangyari.. siguro dala na rin sa pagkatalo ng ginebra at dahil na rin sa sobrang suporta ko sa kanila tapos makikita ko nalang na matatalo sila ng ganito.. 

ganun na ang nangyari sa araw ko.. nagsimula sa sobrang saya at nagtapos sa sobrang lungkot..

Iba kasi talaga ang dala ng ginebra sa akin.. alam ko minsan yung iba parang iniisip sa akin na weird dahil dito, pero hindi ako nahihiya. wala akong pakielam kung ano sabihin sa akin ng ibang tao basta ako I will just continue on being a Die hard fan of this team. Kaya etong pagkatalong to, siguro dadamdamin ko to.. wala eh ganun talaga pag die hard fan ka talaga para ka na ring nasa team.. 

Masakit talaga matalo.. pero dahil sa talong ito lalong lumakas ang pananalig ko sa grupo na ito, hindi ako titigil na suportahan to. mahal ko tong ginebra eh kaya kahit anong mangyari GINEBRA PA RIN Hanggang mamatay ako.. 

BABAWI ANG BARANGGAY! 

NEVER SAY DIE!! 

No comments:

Post a Comment